Monday, September 8, 2014

Wika ng Pagkakaisa

            
               

                Ang ating pagmamahal sa ating sariling wika ay ating ipakita at isagawa nang sa gayon ay malaman ng iba ang pinahahalagaan nating mga Pilipino.
               Ang ating wika ay wikang pangkalahatan. Nakipagdigmaan ang ating mga bayani para makamit at mapaunlad ang Wikang Filipino. Kaya kailangan natin itong gamitin para hindi mabalewala ang paghihirap nili at ang paggamit natin sa wikang ito ay sumisimbolo na rin sa paggalang natin sa mga ginawa ng ating mga bayani. Dapat natin itong pagyamanin dahil ito ang sariling Wika natin at dapat natin itong isulong para sa susunod na henerasyon.
                Magkaisa tayo, isulong natin ang mithiin ng bawat Pilipino kahit sa paggamit lamang ng ating Wikang Filipino. Isulong natin ang ating Wika para magkaintindihan ang bawat isa sa atin.

No comments:

Post a Comment